Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

Gamit ang Venn Diagram, gumawa ng hambinga't pagtutulad sa Balagtasan
at Fliptop bilang anyong patula. Ilagay sa gitna ng dalawang bilog ang
pagkakapareho at sa gilid naman ang pagkakaiba nito.​


Gamit Ang Venn Diagram Gumawa Ng Hambingat Pagtutulad Sa Balagtasanat Fliptop Bilang Anyong Patula Ilagay Sa Gitna Ng Dalawang Bilog Angpagkakapareho At Sa Gili class=

Sagot :

Answer:

PAGKAKATULAD

• May karikitan at masining ang paggamit ng wika

• May isang tagapamagitan (lakandiwa) at dalawang magkatunggali

• Isang anyo ng panitikan

• Tinatanghal sa harap ng madla

• Nagpapahayag ng saloobin at pangangatwiran

PAGKAKAIBA

Balagtasan

• Pormal ang wikang sinasalita

• Gumagamit ng malalalim na pagpapakahulugan ng mga salita

• Nakapokus sa paksang tintalakay

• Layuning makapagbigay-kabatiran, kaalaman at pang-aliw sa madla

• May tamang gabay at patnubay sa pagtutunggali

Fliptop

• Impormal na paggamit ng wika

• Walabg iisang paksang tinatalakay

• Ang pagtalo any pa-rap

• Walang gabay o patnubay na inilalahad bago magsimula ang tunggalian

• Mamayang magsalita ang mga magkatunggali kahit na ang konsepto ay nakakasakit na ng damdamin at pagkatao ng katunggali

• Sumasali sa kompetisyong "Battle League"