IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

pa tulong po please...​

Pa Tulong Po Please class=

Sagot :

makakatulong ang media at ang teknolohoya sa pamamagitan ng pag gamit nito ng wasto at tama

Umusbong ang pagbabagong iyan dahil sa teknolohiya. Pinabibilis ang lahat ng bagay sa mas maigsing paraan para sa maraming mga resulta. Dati-rati ang gamit ng tao ay manwal na mga proseso, pero ngayon ay automatic na! Mga pisikal na puwersa ng tao noon ang gumagana, ngayon ay makina na. Personal ang negosasyon noon, elektroniko na ngayon.

Epekto ng Teknolohiya

Gamit ang mga teknik at mga makinarya (hardware o software man), makikita mong nabago nito ang personal na buhay ng bawat users nito, sa pantahanan at sa panlipunang mga gawain gaya ng paggamit ng computers, iba't-ibang makina para sa industriya ng agrikultura, edukasyon, ekonomiya at maging sa entertainment.

Isang halimbawa nito ay ang pagsulong ng tao sa paggagamot. Dahil sa paggamit ng mga makinarya ngayon, mas nalalaman na ng tao ang sakit sa mas maaagang panahon at kasabay nito ay nakapaglalaan na ng mga pamamaraan sa pag-oopera. Sumulong ang komunikasyon at transportasyon. Hindi mo na kailangang maghintay ng tao o mga buwan para dito. Kaya na ngayon ang isang click para masaayos ang lahat ng negosasyon.

Pero ang paggamit nito ay nagbibigay din ng masasamang epekto. Halimbawa nito ay ang polusyon sa hangin dala ng mga usok galing sa mga sasakyan o pabrika. Ang adiksyon ay nagaganap sa mga users ng gadget gaya ng game application o social media platforms. Nagagamit na din ang teknolohiya para sa paggawa ng cybercrime.

Ano ang Iyong Bahagi Dito?

Puwede kang maging matalino sa paggamit ng teknolohiya. Sa bawat gadget o makinarya na bibilin o ipagagamit sa iyo, mayroon itong manwal. Isinasaad dito kung paano mo magagamit ang nasabing teknolohiya sa mas matipid at epektibong paraan. Sa pagsunod dito, hindi mo lang natutulungan ang pagpepreserba ng ating kapaligiran, nagagawa mo pang mapahaba ang gamit ng mga ito. Sa ganitong paraan, mas matatagalan pa bago ito palitan.

Magtakda ng panahon sa bawat bagay. Kung nasa gadget mo na lamang ang iyong buong panahon, makaliligtaan mo na ang iba pang mga bagay na higit na mahalaga. Kadalasan nang ang mga mahahalagang bagay na ito ay hindi ginagamitan ng teknolohiya. Anu-ano ang mga iyon?

Ang iyong kaugnayan sa pamilya at mga kaibigan. Sikaping bigyan sila ng atensyon na malayo sa iyong gadget. Makinig, tumulong at makipagkasiyahan ng aktuwal. Tutulungan ka nito na mapalayo sa adiksyon sa mga techonology applications at devices.

Matulog ng sapat. Kalaban ng teknolohiya ang kapahingahan. Ang totoo, ginawa ang makina upang gumana ng 24 oras bawat araw. Pero nakalulungkot, nasasabayan na din ng tao ang ganitong paggana. Puwede kang magkasakit dahil dito. Maging ang iyong trabaho o mga araw-araw na gawain ay puwede nitong sirain.

Magsimula ka na!

Nalaman nating na ang teknolohiya ay may malaki ng impluwensya sa paggawa ng tao ngayon. Mayroong itong mga mabubuting resulta gaya ng sa pagpapasulong ng medisina, transportasyon at komunikasyon. Gayunpaman, nagdudulot ito ng masamang epekto sa kapaligiran at sa kalusugan ng tao.

Kaya magiging teknik ang teknolohiya kung gagamitin mo ito ng maaayos. Magagawa mo ito kung susundin mo ang sinasabi ng manwal nito at ang pagtatakda ng panahon sa bawat gawain kasama na ang pagpapahinga mula sa paggamit nito. Makakatiyak kang sulit ang paggamit ng teknolohiya!

Para sa karagdagang impormasyon:

masamang epekto ng gadgets sa kabataan: brainly.ph/question/1902248

epekto ng paggamit ng cellphone sa loob ang klase: brainly.ph/question/2113119

ang layo ng sagot ko dun noh so eto na nga

nakakadulot ito nang magandang paggamit Kung sa tama mo ito gagamitin pwede mo itong pangonline/hanap buhay pwede ka din dito maglibang/laro pero hindi dapat ito mag tagal dahil sa sobrang adik kana ay hindi mona ito ma tigil lagi mo syang hanap hanap kaya dapat sa wastong paraan mo gamitin ang teknolohiya.