Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

Ano ang kahulogan ng social networking?

Sagot :

Answer:

Ano nga ba ang kahulugan ng Social Networking?

Ang Social Networking ay ang pag gamit ng mga social media site na nakabase sa internet upang mapanatili ang koneksyon sa pamilya, kaibigan, kakilala at minamahal sa buhay. Ang pag gamit ng Social Networking ay may mga layunin. Ito ay maaaring pang negosyo, pang personal o pwede ring pang lipunan.

Mga halimbawa ng Social Networking sites

  • Facebook - (ang pinaka kilala at pinakasikat na site)
  • Messenger
  • Instagram
  • Twitter
  • Skype

Paano ginagamit ang Social Networking sa pagnenegosyo?

Sa panahon ngayon, kadalasan ang mga nagnenegosyo ay gumagamit na ng social media sites upang makapag benta at mai-promote ang kanilang mga paninda. Kadalasan pinopost nila ang mga ito at ang mga tao na naka-online ang siyang nakakakita sa mga paninda at bumibili nito.

Sa pag gamit nito, madali lang ang magbenta. Hindi mo na kailangang maghanap pa ng mga mamimili dahil sila na ang hahanap sayo at sa produktong itinitinda mo.

Kahalagahan ng pag gamit nito sa pang personal na layunin

  • Maaari mo ng makausap ang iyong kapamilya saan mang panig ng mundo dahil sa mga social media sites. Kung noon ay nagpapadala lang ng sulat at maghihintay ng pagbalik o pagsagot ng mga kapamilya mo, ngayon ay madali na lamang. Isang mensahe lang sa kanila ay maaari na silang sumagot ng wala pang isang minuto. Maaari mo rin silang makita agad agad gamit ang video.
  • Kung may nais kang malaman na importanteng impormasyon, maaari mo rin itong malaman agad sa pamamagitan nito.
  • Ikaw ay agad na-update sa kung ano man ang balita, o uso man sa mundo sa pamamagitan nito. Kadalasan ay makikita mo na agad ang mga makabagong teknolohiya na ginagamit sa iba't ibang panig ng bansa.

Ano ang advantage at disadvantage ng Social Networking?

Ang advantage ng Social Networking ay malalaman mo na agad ang mga importanteng impormasyon na kailangan mo. Maaari mo rin itong magamit sa iyong pang personal at pang negosyo na layunin. Ngunit ang disadvantage naman nito ay minsan kulang ang mga impormasyon na meron ito o maaari ring nakaliligaw na impormasyon. Malaki din ang tsansa na ikaw ay maloko o ang tinatawag nilang scam. Maaari rin itong gamitin bilang isang pambubulas o cyberbullying.

Kung nais mo pang makabasa ng iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, maaari mong i-click ang mga links na ito:

  • How did social networking help in the Philippine elections? (sa wikang Ingles): https://brainly.ph/question/866973
  • Ano ang ibig sabihin nga social networks?: https://brainly.ph/question/2066825