IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw na mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

Si Osang at si Leona

Analyn V. Lasprilla

Isang araw, namasyal ang usang si Osang sa Kagubatan. Bigla siyang

dinamba ng leong si Leona. Nakiusap si Osang na huwag siyang kainin.

Nag-isip ng paraan si Osang kung paano siya makakawala.

“Bago mo ako kainin ay may ipagtatapat akong lihim sa iyo”, ang sabi ni

Osang. “Anong lihim ang ipagtatapat mo?” tanong ni Leona. “Pakawalan mo

muna ako at sasabihin ko sa iyo”, ang sabi ni Osang. “Alam mo, sa paglubog

ng araw mamaya ay magugunaw na ang mundo. Lahat ng bagay sa ibabaw ng

lupa ay mawawala, ngunit may paraan ako upang ikaw at ako ay makaligtas.”

sabi pa ni Osang. “Anong paraan upang ikaw at ako ay makaligtas. Anong

paraan ang gagawin mo para tayo makaligtas? “ ang tanong ni Leona.

“Sumama ka sa akin sa punong iyon”, yaya ni Osang. Nang marating nila ang

puno, inutusan ni Osang si Leona na sumandal sa puno, pagkatapos ay

kumuha siya ng baging at itinali niya si Leona nang mahigpit sa puno. “Hoy!

paano ako makaliligtas dito?” nagtatakang tanong ni Leona. “Hintayin mo

lamang ang paglubog ng araw at diyan tiyak ligtas ka”, tugon ni Osang.

“Pakawalan mo ako rito”, ang galit na galit na sabi ni Leona.

Pangiti-ngiti lamang na umalis si Osang. Walang nagawa si Leona.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Muling balikan ang kuwentong “Si Osang at

si Leona”sa pahina 13. Magbigay ng sariling solusyon sa naging suliranin ni

Osang. Ibigay ang wakas ng kuwento. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.​


Sagot :

Kung ako magiging si osang usa lilinlangin ko din si Leona na Leon sa ibang paraan.kung maari ay pag sasabihan ko si Leona na masamang kumain ng kapwa hayop.ang magiging wakas naman ito ay mahihiya si Leona at Hindi na kailan man kakain ng kapwa niya hayop.


Hope it helps