IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

Ano ang lipunan sa bansang india? ​

Sagot :

Answer:

Ang India, Indiya o opisyal na tinutukoy na Republika ng India (Internasyunal o Ingles: Republic of India) ay isang bansang matatagpuan sa Timog Asya. Ito ay ang ikaapat na pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo at ang bansang pangalawa sa pinakamaraming populasyon sa buong mundo.

Ang mga karatig-bansa ng India ay ang: Tsina, Pakistan, Bhutan, Myanmar, Nepal, at Bangladesh. Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), Bagong Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai (dating Madras).

Ang pera sa India ay tinatawag na Rupee at ang kodigong pantawag sa bansang ito ay +91. May iba’t ibang wikang ginagamit sa iba't ibang lugar sa India: Hindi (41%), Bengali (8.1%), Telugu (7.2%), Marathi (7%), Tamil (5.9%), Urdu (5%), Gujarati (4.5%), Kannada (3.7%), Malayalam (3.2%), Oriya (3.2%), Punjabi (2.8%), Assamese (1.3%), Maithili (1.2%), at iba pa (5.9%).