IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot batay sa hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian,
karanasan, pananampalataya, gawain o hanap buhay ng mga taong
naninirahan sa isang pook.
D. korido
A. bulong
B. sayaw
C. awiting bayan

2. Bago pa lamang dumating ang mga Kastila'y mayroon nang mga awiting bayan ang mga Pilipino at ang mga ito'y isinalin nila sa mga sumusunod na
D. bathala
A. salin ng lahi B. anito
C. kapaligiran

3. Ang mga unang awit ay mga anyong rin, ngunit may mga tugtugin at indayog na ayon sa damdamin, kaugalian at himig ng pag-awit noong unang panahon.
A. tula
B. dula
C. kwentong bayan
D. epiko

4. Alin ang angkop na salita upang mabuo ang awiting-bayan. Sagwan, tayo'y sumagwan, Ang buong kaya'y ibigay.Malakas ang Baka tayo'y tanghaliin, Pagsagwa'y pagbutihin.
A. hangin
B. tingin
C. akin
D. awitin

5. Alin sa sumusunod ang mensahe ng awiting-bayan na ito? "Tra, la, la, la, Ako'y nagtanim ng binhi, Sumibol, nabuhay.Di naglao't namunga, Ang bunga'y naging binhi."
A. nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
B. nananalangin nang hindi maganda bilang ganti sa ginawang masama
C.nagbunga ng masaganang ani ang itinanim na binhi
D. nagpapamalas ng pagtutulungan

6. Ito ay nagsasaad ng kabuuang mga damdamin at mga saloobing ipinangangako ng pag-ibig.
A. Oyayi
B. Kundiman
C. Tagumpay
D. Dalit

7. Ang katawagan sa awiting nagpapatulog ng sanggol. Kalimitang ang mga awiting ito ay walang kahulugan, inaawit lamang sa isang malambing na himig upang makatulog ang isang bata.
A. Kumintang
B.Diona
C. Soliranin
D. Oyayi

8. Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma. Subalit kalauna'y nilapatan ito ng upang maihayag nang paawit at mas madaling
matandaan o masaulo.
A. himig
B. bulong
C.Sayaw
D. liriko