Magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama ang mensahe ayon sa mga salitáng nakasalungguhit. Lagyan ng salitáng TAMA kung wasto ang mensahe MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

____________1. Ang pinakamalaki bahagdan ng mga manggagawa na sinasabing vulnerable ay nasa sektor ng agrikultura.

____________2. Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

____________3. Saklaw ng sektor ng industriya ang sektor ng pananalapi, komersiyo, insurance, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal, turismo, (BPO), at edukasyon.

____________4. Mahalaga ang sektor ng agrikultura sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito na makararating sa mga mamimili ang mga produkto sa bansa.

____________5. Ang Labor – only Contracting ay walang kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Hindi pinapayagan sa batas ang nasabing subcontracting dahil naaapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa sa trabaho.

____________6. Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

____________7. Layunin ng Employment Pilar na tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa.

____________8. Layunin naman ng Social Protection Pilar na palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.

____________9. Ang Worker’s Right Pilar naman ang naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.

___________10. Ang Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code ay nagtatakda ng mga alituntunin na naglalayong ingatan ang mga mangagawa at mabigyan ng batayan ang mga karapatang pang manggagawa sa Pilipinas.