Makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinakamahahalagang tanong sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Wikang Pambansa
Manuel L. Quezon
Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.
Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat.
Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba?
Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya.
Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat.
Explanation:
Ang wikang pambansa ay isang talumpati
ni Manuel L. Quezon ukol sa isang wikang
pangkalahatan ng Pilipinas. Inumpisahan
niya ang talumpati na hindi niya nais kastila o ingles ang wika ng pamahalaan kaya
kailangan ng isang wikang pambansa. At
ang wikang ito ay nakabatay sa
katutubong wika ng Pilipinas. Sinabi ni
Quezon na ang mga suliranin ng bansa
ay dahil wala tayong kamalayang
pambansa. At hindi magkakaroon ng
kamalayang pambansa kung walang wikang
pambansa. Inireklamo niya rin ang hirap
ng kawalan ng wikang pambansa bilang presidente kapag dumadayo sa ibang lalawigan. Sa huli ay hindi niya daw tatanggalin ang pagtuturo ng ingles o kastila sa paaralan pero kailangan ng wikang pambansa. Sinabi niya na siya ay tagalog pero gagamitin niya ang anumang wika
mapa-bisaya, ilokano, o mangyan ay
aaralin niya para lang magkaroon ng
wikang pambansa.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.