Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Answer:
BIONOTE
Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga patimpalak at / o sa gig). Kadalasan na may makikitang bionote sa likuran ng pabalat ng libro na may kasamang larawan ng awtor o ng may-akda.
Kapag inilalarawan ang taong paksa ng bionote ay kadalasan ng nasa dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang. Ang bionote ay dapat na isang impormatibong talata na siyang nagpapaalam sa mga mambabasa o makikinig kung sino ang taong paksa ng bionote o ano-ano ang mga nagawa ng paksa bilang propesyunal. Nagbibigay rin ito ng mga karagdagang impormasyon may kinalaman sa paksa at kaganapang tatalakayin.
Ang bionote ay dapat lamang na isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang isang talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang panauhin o bilang propesyunal.