Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.


Heleana at Paziena
May dalawang magkaibigan na sina Heleana at Pariena. Maliban na sila ay
magkaibigan, magkapitbahay pa ang dalawa at magkaklase sa ikaanim na
baitang sa Mababang Paaralan ng Sigma, Lalawigan ng Capiz.
Araw ng Biyernes sa klase nila sa Filipino nagkaroon sila ng gawain na
magsulat ng tula na may temang "buhay-bata". Itatanghal nila ito sa klase sa
paraang ilalapat sa makalumang awitin. Gagawin ito ng dalawahan.
"O! Naunawaan ba ninyo mga bata ang magiging gawain ninyo?" tanong ni
Ginang Cadelena guro nila sa Filipino. "Opo mam," sagot ng dalawa.
Araw ng Sabado, pagkatapos mananghalian nagkasundo ang dalawa na
gumawa ng kanilang gawain dahil nga magkapitbahay sila at madali lang
silang nagkita
"O, ano? Leron Leron Sinta na lang ang ilalapat nating tunog sa ating ginawang
tula," sabi ni Paziena. "Oo sige, maganda nga iyon,” wika naman ni Heleana
na parang kinikilig sa sobrang saya.
Dumating na ang araw ng kanilang pagtatanghal sa klase. Ang lahat ay
nasasabik sa presentasyon ng bawat isa.
Sariling akda: Susan J. Quistadio

Magbigay ng tatlong maaaring mangyari sa araw ng pagtatanghal ng mga mag-
aaral.

1._________________
2._________________
3._________________​


Sagot :

1.magiging maayos ang kanilang pagtatanghal

2.makakakuha sila ng mataas na marka

3.matatapos nila ito ng maayos dahil naka handa sila