IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
Migrasyon, Ang paglipat o pag-alis ng isang mamamayan patungo sa ibang bansa o lugar upang doon na pansamantala o permanenteng manirahan, upang maghanap ng mas magandang kita o hanapbuhay, Sa atin sa Pilipinas di na bago ang migrasyon marami sa ating mga kababayan ang nangingibang bansa dahil doon nila mas nabibigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya, nabibili ang gusto ng mga anak,napag-aaral at iba pa,tinitiis nila ang hirap at pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi ganun kadali ang migrasyon dahil ang iba sa kanila ay nakakatagpo ng mga hanap buhay na merong amo na hindi makatao nakakaranas sila ng pagmamalupit, at kung minsan ay napapahamak pa sila. Idagdag pa na kung minsan ang pamilyang naiwan niya sa bansang inalisan niya ay nasisira rin, mga anak na napariwara,asawang naghanap ng iba,Masakit isipin karamihan sa mga nag migrasyon nating mga kababayan ay ganito ang sinapit. Kapabayaan ba ng pamahalaan kung marami ang umaalis dahil sa hirap ng buhay at walang mapasukang trabaho sa bansa natin, o kasalanan din ng iba na naghahangad ng madaliang pag-unlad sa buhay o mas marangyang buhay, imbis na magsikap sa sariling bayan kasama ang mga mahal sa buhay. Kung anuman ang dahilan malayo man sa pamilya o malapit panatilihin natin ang pag mamahal at pagtitiwala sa isat-isa upang manatiling buo at masaya ang pamilya.
Explanation:
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.