IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Answer:
Ang estado ay isang uri ng kaayusan ng pamahalaan na binubuo ng isang pamayanang pampolitika na nakatira sa ilalim ng iisang sistema ng pamahalaan.[1] Ang mga estado ay maari o di maaring malaya. Halimbawa, mga kasapi ang mga estadong pedaratibo ng isang unyong pederal, at maaring may bahagyang kalayaan lamang, ngunit mga estado sila.[1] May mga estado na nasa sa ilalim ng panlabas na soberanya o pananakop, kung saan nakasalalay ang hantungang kalayaan sa ibang estado.[2] Ang mga estadong may soberanya o kalayaan ay tinatawag na mga malayang estado.
Maaring tumukoy din ang "estado" sa isang sekular na sangay ng pamahalaan na nasa loob ng estado,[3] na kadalasang ginagamit upang ipagkaiba sa mga simbahan at institusyong sibilyan.
Maraming mga lipunan ng tao ang pinamahalanan ng estado sa nakaraang libo-libong taon, ngunit marami ang naging lipunang walang estado. Sa paglipas ng panahon, may mga iba't ibang anyo ang nabuo na ginagamit ang pagbibigay ng katuwiran sa lehitimong pagkabuo nila (katulad ng dibinong karapatan ng mga hari, teoriya ng kontratang panlipunan, atbp.). Sa ika-21 siglo, ang makabagong bansang-estado ang namamayaning anyo ng estado na kung saan ang tao ang sumasailalim.
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.