Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig. Kaya naman natural na ang mga Asyano ay mayroong iba’t-ibang kultura dahil sila ay galing sa iba’t-ibang mga bansa.
Ngunit sa paglipas ng mga panahon, ang mga bansa sa Asya ay nagsimula nang magkaroon ng impluwensiya sa isa’t-isa. Ang mga impluwensiyang ito ay makikita na sa mga kultura at tradisyong Asyano. Magandang halimbawa nito ay ang relihiyon.
Karamihan sa mga Asyanong bansa ay may iisang sinusunod na pananampalataya, gaya ng Budismo at Hinduismo. Relihiyoso ang mga Asyano kaya makikita na karamihan sa kanilang sinusunod na mga alituntunin at batas ay nakaakibat sa kanilang relihiyong sinusunod.