Makahanap ng mga eksaktong solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Mga Pangunahing Bahagi ng Niyog
Ang niyog ay tinaguriang puno ng buhay. Bakit? Ito ay puno ng buhay dahil mula sa ugat hanggang bunga nito ay napapakinabangan. Ang lahat ng bahagi nito ay magagamit sa iba't ibang larangan. Narito ang mga pangunahing bahagi ng niyog:
- Ugat
- Katawan o Punong kahoy
- Dahon
- Bulaklak
- Bunga
Mga Gamit o Kahalagahan ng mga Bahagi ng Niyog
Tulad ng nabanggit, lahat ng bahagi ng niyog ay may pakinabang. Narito ang ilan sa mga gamit o kahalagahan ng mga ito:
Ugat
- Ginagawang inumin at halamang gamot
- Ginagamit bilang tina
- Pangunahing sangkap ng sipilyo
- Ginagamit bilang materyales sa handicrafts tulad ng paggawa ng kwintas at pulseras
Katawan o Punong Kahoy
- Pangunahing sangkap sa paggawa ng papel
- Ginagamit sa paggawa ng mga kagamitan tulad ng pinto, upuan at lamesa
- Ginagamit sa mga istraktura at disenyo ng interior at exterior
Dahon
- Ginagamit sa paggawa ng bubong at dingding ng gusali
- Ginagamit sa paggawa ng tingting at basket
Bulaklak
- Maaaring magamit sa paggawa ng alkohol at suka
- Ginagamit din sa mga sumbrero, bag at strap ng sandals
Bunga
- Pagkain ng tao
- Pinagkukuhaan ng langis
- Ginagawa namang bunot ang balat ng niyog
Buod ng Alamat ng Niyog:
https://brainly.ph/question/1729575
#BrainlyEveryday
Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.