Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

Magbigay ng halimbawa sa paggawa ng isang liham para sa kaibigan tagalog ang bansa gamit ang mabubuting pilosopiya at paniniwala ng asyano


Sagot :

Answer:

Mahal kong kaibigan,  

     Nagsulat ako ng liham upang ipahayag ang taos-pusong pasasalamat sa hindi matatawarang tulong at pagmamahal na ipinamalas ninyo sa akin. Sa loob ng halos dalwang taon na pagsasama, nakita ninyo ang tunay kong halaga. Walang pagod na inintindi ang ugali kong nakakadismaya. Hindi kayo nagsawang sumuporta kahit paulit-ulit man akong mabigo. Isa kayo sa naging dahilan upang malagpasan ko ang mga pagsubok noong mga panahong nawalan ako ng kompiyansa sa aking sarili. Pinili ninyong manatili upang samahan akong tahakin ang daan ng pakikibaka.  

     Labis akong nagpapasalamat marahil hindi sa mga kapakinabangang natamo ko sa inyo, kundi dahil kayo ang nagsisilbing tulay upang baguhin ko ang aking sarili. Hindi man madali ang proseso ng pagbabagong minimithi, nandiyan pa rin kayo upang umagapay. Ipinakita ninyo ang aking pagkakamali ng walang panunumbat at pinadama ang pagkalinga na hindi ko naranasan kanino man. Iminulat ninyo ako na kailangan kong maging matapang at hindi habang buhay aasa sa iba.

     Hindi tayo bumuo ng mga karanasan at alaala upang ito'y kalimutan. Ito ang magsisilbing pundasyon upang mabuo natin ang ating pagkatao at pagkakakilanlan. Ako'y mapalad na nakasama ko kayo ng mahabang panahon at naranasan ko kung gaano kakulay at kaganda ang hindi mag-isa sa mundong ito. Dumating man ang panahon na kailangan na nating tahakin ang kani-kaniyang pangarap, asahan ninyong hinding-hindi ito ang magiging dahilan upang putulin ang nabuo nating pagkakaibigan. Bagkus ito'y magsisilbing instrumento upang mapagtibay ang ating samahan.  

     Maaaring makatagpo man ako ng bagong kaibigan, panghahawakan at panghahawakan ko ang ating binuong pagkakaibigan. Hindi man tayo araw-araw makapagpalitan ng mga kuwento ng kapighatian at kaligayahan, sisiguraduhin kong nandiyan pa rin ako sa mga panahong kinakailangan ninyo ng kausap at karamay.  

     Sana'y maabot natin ang mga pangarap na minsan nating inisip na imposibleng mangyari. Saan man ako dalhin ng matayog kong pangarap, ipinapangako kong hinding-hindi ko malilimutan na kayo'y naging parte ng aking buhay. Araw-araw kong isasabuhay ang mga karanasan at aral ng ating samahan.  

                                                Nagmamahal,  

                                               Tapat na kaibigan

Explanation:

basta ang pagkaintindi ko gumawa ng liham para sa kaibigan