Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at maaasahang mga solusyon. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Answer:
Noong itinatag ang Pamahalaang Komonwelt noong 15 Nobyembre 1935 ay naging tirahan ang Malakanyang ng mga Pangulo ng Pilipinas. Si Manuel L. Quezon ang unang Pilipinong residente ng Palasyo. Simula noon ay naging opisyal na tirahan ang Malakanyang ng mga pangulo ng Pilipinas. Ang isa sa mga malaking ginawang pagsasaayos ng mga Amerikano ay ang solusyon sa pagkontrol sa baha. Dahil karaniwang binabaha ang pampang ng Ilog Pasig ay isinagawa ang reklamasyon sa Ilog Pasig ng 15 talampakan at itinayo ang isang kongkretong pader. Ginawang bulwagang sosyal ang unang palapag na noon ay bodega.