IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Noong ika-2 milenyong BC, ang Mycenae ay isa sa pangunahing mga sentro ng kabihasnang Griyego, isang matibay na tanggulang pangmilitar (kuta) na nangibabaw sa katimugang Gresya. Ang kapanahunan ng kasaysayan ng Gresya magmula sa tinatayang 1600 BC magpahanggang sa 1100 BC ay tinatawag na Gresyang Miseno bilang pagtukoy sa Mycenae.
Answer:
Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito. Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete.
Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece.
Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek.
Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan.
Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek.
hope it helps.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.