IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Labag ba sa karapatang pantao ang terorismo? ​

Sagot :

Ang terorismo ay, sa pinakamalawak na kahulugan, ang paggamit ng sinasadyang walang pakundangang karahasan bilang isang paraan upang lumikha ng malaking takot sa masa ng mga tao; o takot na makamit ang layunin ng pananalapi, pampulitika, relihiyon o ideolohikal. Ito ay isang malaking paglabag sa karapatang pantao sapagkat sa ngalang 'dahas' pa lamang ay pinapakita na nito ang kasamaan. Hindi ito makatarungan at ang layuning ito ay labag na labag sa batas moral. Hindi sa lahat ng panahon ginagamitan ng 'takot' o 'dahas' ang isang bagay na hindi ka pabor at wala sa iyong perpektibo sa kadahilanang pansarili lamang sapagkat marami ang maaapektuhan. Hindi tayo nabubuhay upang magtanim ng takot sa masa at sumira sa kinabukasan. Tayo ay nandito upang pangalagaan, pairalin at isulong ang karapatan ng lahat ng nabubuhay upang makamit ang katiwasayan sa hinaharap.

Explanation:

_#CarryOnLearning_

'follow for more'