Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Answer:
Makikita at mararamdaman ang epekto ng pananakop ng mga Amerikano sa Sistema ng pampublikong edukasyon na itinayo nito sa bansa. Matapos mapasakamay ng mga Amerikano ang Maynila noong Mayo 1898, sinimulan na ang pagtatatag ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas. Sa simula, mga sundalong Amerikano muna ang nagsilbing unang guro na kalaunan ay napalitan ng mga gurong galing sa America. Ang pinakamalaking pangkat ng mga guro ay dumating sa Pilipinas noong 1901 lulan ng barkong Thomas. Itinalaga sa Maynila at mga lalawigan ang mga gurong ito na binansagang Thomasites.