Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Wala po akong kaalam alam kung paano gumawa ng Tula, Advance thanks po sa makakasagot​

Wala Po Akong Kaalam Alam Kung Paano Gumawa Ng Tula Advance Thanks Po Sa Makakasagot class=

Sagot :

Answer:

Sana makatulong po ako ✴❣

yan po para makatulong kung pano gumawa ng tula

View image Honielynmayocampo

Answer:

Paano Nga Ba Mag Sulat O Gumawa Ng Magandang Tula?

PAANO GUMAWA NG TULAAng pagsulat ng tula ay isang bagay na kung titignan ay mahirap gawin. Ngunit, sa kaunting pagsasanay lamang ay magiging natural na ito sa iyo.

Tandaan ninyo, kahit sino ay puwedeng sumulat ng tula. Hindi importante ang edad sa pagsusulat, ang importante lamang ay pagpahiwatig ng iyong karanasan at damdamin.

Heto na ang mga tips kung paano sumulat ng magandang tula:

Humanap Ng Inspirasyon – Eto ang pinaka importante sa lahat. Kung wala ito, hindi magiging kapanipaniwala ang iyong mga sulat.

Saan ba ako makakakita ng Inspirasyon? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakakuha ka ng inspirasyon. Minsan mayroong mga pangyayari o tao na bigla na lamang bibigay sayo ng napaka tinding emosyon na para bang umaapaw. Pag nakita mo na iyon, dapat handa ka ng mag sulat.

Magsimula sa Malayang Taludturan – Maraming pormal na paraan ng pag sulat ng tula na gumagamit ng saktong sukat at tugma. Pero, mas maganda pa rin na mag simula ka sa malayang taludturan.

Pagkatapos, maari mo nang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng tula tulad lamang ng haiku, tanaga, tanka at iba pa.

Siguraduhing Alam mo ang Sinusulat mo – Hindi magiging kapani-paniwala ang iyong tula kung hindi mo ito lubos na alam. Kung ang sulat mo ay tungkol sa korupsyon sa gobyerno, dapat alam mo talaga kung anong nangyayari.

Magbasa ng Tula ng Iba – Hindi ka magiging mahusay na manunulat kung hindi ka natututo sa iba. Sa pagbasa mo ng ibang tula, maaring makakakita ka ng ibang paraan ng pag sulat na puwede mong kunan ng inspirasyon.

Gumamit ng metaphor o simile kahit simple lamang ito – Ang paggamit ng simile at metaphor ay isang paraan ng paglalarawan sa mga pangyayari, tao, o bagay. Maaari ring gamitin ang personipikasyon sa mga tula.

Halimbawa:

O sinta ko, kahit ang liwanag ng buwan,

Ay hindi maka pantay sa iyong kagandahan.

Ang mga bituin naman ay lubos sa ka inggitan,

Ikaw ay nasa puso, magpakailanman.