IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Kakapusan sa Paghinga (Dyspnea)
Ang kakapusan sa paghinga ay ang pakiramdam na tila hindi mahabol ang paghinga o hindi makakuha ng sapat na hangin. Tinatawag din itong dyspnea.
Ang dyspnea ay maaaring dulot ng marami at iba't ibang kondisyon. Kabilang dito ang:
Mabilis na pagatake ng asthma.
Paglubha ng pangmatagalang sakit sa baga katulad ng pangmatagalang bronchitis at empaysima.
Pagpalya ng Puso (Heart failure). Ito ay kapag ang mahinang kalamnan ng puso ay pinapahintulutan ang pagipon ng ekstrang likido sa mga baga.
Atake ng pagkasindak o pagkabalisa Ang takot ay maaaring magdulot ng mabilis na paghinga (hyperventilation).
Pulmonya o isang impeksyon sa tisyu ng baga.
Pagkalantad sa mga nakalalasong sangkap, usok o ilang gamot.
Pamumuo ng dugo sa baga (pulmonary embolism). Ito ay kadalasang mula sa isang piraso ng namuong dugo sa malalim na ugat sa binti (deep vein thrombosis) na natanggal at naglakbay patungo sa mga baga.
Atake sa puso o pananakit ng dibdib na may kaugnayan sa puso (angina).
Anemya.
Bumigay na baga (pneumothorax).
Pagka-dehydrate.
Pagbubuntis.
Base sa iyong pagbisita ngayon, ang tiyak na sanhi ng kakapusan sa iyong paghinga ay hindi matukoy. Ang mga pagsusuring isinagawa ay hindi nagpapakita ng anumang malubhang sanhi ng dyspnea. You may need other tests to find out if you have a serious problem. maaaring kailanganin mo ng iba pang pagsusuri upang malaman kung mayroon kang malubhang problema. Mahalaga na bantayan ang anumang bago o lumalalang sintomas. Bumalik sa tagapangalaga ng iyong kalusugan ayon sa tagubilin.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.