Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tukuyin ang kaugnayan ng migrasyon sa ibat
ibang aspeto ng lipunan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel
Aspeto
Kaugnayan ng migrayon
Politikal
Industriyal
ekonomikal
Sosyo-kultural
Personal/Pamilyal​


Sagot :

Answer:

AP GRADE 10

Dahilan at Epekto ng Migrasyon Dulot ng Globalisasyon Week 5-6

Gawain sa Pagkatuto Blg. 4

By : @Rougue Takoshiba

1. Politikal

Kaugnayan : Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang nakararanas nito. Dahil sa pagdami ng populasyon sa pinuntahang bansa, naaapektuhan ang mga polisya tungkol sa seguridad ng sariling mamamayan ng bansa at maging sa mga migrants na dumadating sa bansa.

2. Industriyal

Kaugnayan : Dahil sa pagkakaroon ng impormasyon at kaalaman sa pinuntahang bansa, nagkakaroon ng ideya kung paano paunlarin sa pakikipagkalakalan ang mga iba't-ibang produkto at serbisyo sa sariling bansa.

3. Ekonomikal

Kaugnayan : Ang ekonomiya ng mga bansa ay tuloy-tuloy ang pag-unlad sapagkat ang mga kompanya at negosyo ay nakararatinf sa iba't-ibang bansa. Gayundin ang mga manggagawa ng mga kompanya ay nagmula sa iba't-ibang bansa at kultura. Nakatutulong ang mga migrants sa bansang pinuntahan sa kitang pang-ekonomikal at pagdami ng manggagawa.

4. Sosyo-Kultural

Kaugnayan : Ang uri ng pamumuhay at kalagayan ng pamumuhay ng mga tao ay umuunlad sapagkat natututo o nakakakuha tayo ng ideya at impormasyon mula sa ibang tao sa ibang bansa.

5. Personal/Pamilya

Kaugnayan : Nakapagbibigay ng maayos at magandang pamumuhay na mayroong malaking kita na ginagamit upang makatulong sa pamilyang naiwan sa pinanggalingang bansa. Ito ay makatutulong upang makaahon sa kahirapan at makuha o maibigay ang pangangailangan ng pamilya.

Explanation:

sana makatulong. sorry na kung mahaba. that's my opinion. f o l l o w me.