Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

AWAIN 2
Panoorin ang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho: na pinamagatang “Carwash
Boy noon, Milyonaryo na Ngayon!” Mula sa napanood, gamit ang talahanayan,
magtala ng mga salita na naaayon sa iba’t ibang antas ng wika.
(http://m.youtube.com/watch?v=TNqBLCe91Y)
Kapuso Mo, Jessica Soho: Carwash boy noon, Milyonaryo na ngayon!

Halos nangungulubot na raw noon ang balat sa maghapo’t magdamag kakalinis ng kotse ng carwash
boy na si Edmar. Makalipas ang labing-anim na taon, eto na si Edmar ngayon. Naglilinis pa rin ng sasakyan.
Pero ang nililinis niyang SUV, pagmamay-ari na niya at meron pa siyang ibang kotse at delivery vans.
Nagmamay-ari na rin siya ng dalawang bahay, isang paupahang apartment, isang condominium unit at isang
3 storey building.
Ang carwash boy noon na 100 pesos lang kada araw ang naiuuwi. Ang carwash boy noon kumikita na
ngayon ng milyong piso. Gusto niyo bang malaman kung paano siya umasenso? Tara! Magkape tayo.
Singpait daw ng kape ang buhay ng laki sa hirap at produkto pa ng broken family na si Edmar. Sa Maynila
noon nagtatrabaho ang kanyang ina kaya lumaki siya sa poder ng mga kamag-anak. Kalaunan, binawi rin
siya ng kanyang ina at tumira sa Maynila. Kasa-kasama ang kanyang stepfather. Tinanggap na ni Edmar na
hindi na mabubuo ang kanilang pamilya. Ni isang family picture nga raw, wala sila.
Para makapagtapos ng hayskul, si Edmar nagtinda ng gulay, naging parking boy, nagbantay sa
computer shop at naging carwash boy din. Ang mga nakukuha raw nilang tip, pinaghahati-hatian nilang
magkakasama kaya ang naiuuwi na lang niya sa maghapong pagka-carwash, 100 pesos.
Kinalaunan, sa kagustuhan niyang lumaki ang kanyang kita, nakipagsapalaran si Edmar bilang OFW sa
Qatar. ‘Yun nga lang hindi naging sing-init ng kape ang kanyang kapalaran. Matapos ang dalawang buwan,
umuwi sa Pilipinas si Edmar na walang kapera-pera. Dito siya pumasok bilang stockman sa isang mall. At
dahil sa kagustuhan niyang may matapos, nag-enrol siya sa TESDA lalo’t ang mga nakatapos ng anumang
kurso sa TESDA, may makukuhang 8,000 na allowance. Ang kinuha niyang kurso, barista. Ang nakuhang
8,000 sa TESDA at naipon niya mula sa kanyang naunang trabaho, ipinuhunan niya upang magtayo ng
kauna-unahang food cart ng coffee frappe. At pumatok ang kanyang food cart business! Kaya
nakapagpagawa siya ng anim pang food cart. Dito na siya unti-unting umasenso at nagbago ng kapalaran.
Sa panahon ding yun din niya nakilala ang kanyang napangasawa, si Kim. Si Kim daw ang lucky charm
ni Edmar. Pero matapos nilang ikasal, humina ang benta ng kape ni Edmar. Nagkasunod-sunod din ang mga
pagsubok. Sa puntong’yon naisipan niyang isugal muli ang kanyang natitirang pera sa iba pang food cart.
Hanggang unti-unting nakabawi at matapos ang ilang taong pagsisikap, ang taong may iisa lang food cart,
ngayon, 250 nationwide!
Samantala, ang sama ng loob ni Edmar sa kanyang ina, kinalimutan na niya. Sa halip ipinaranas niya
rito ang mga bagay na hindi niya naranasan gaya ng sariling bahay at sasakyan. Pero ang kaligayahan, hindi
talaga nalulubos. Nitong nakaraan lang kasi, na-diagnose ang kanyang inang may malubhang sakit. At

sabihin mang na kay Edmar na ngayon ang lahat ng yaman at ari-arian, may isang bagay dawn a gusting-
gusto niyang makamtan. Picture ng kaniyang ama’t ina na magkasama. Kaya nitong huwebes, iniluwas

naming ang kanyang ama na si mang Eduardo upang makasama ang mag-ina.
Lumaki mang punong-puno ng hinanakit si Edmar, natuto siyang magpatawad. Pinairal ang
pagmamahal pagmamahal dahil ang tagumpay walang saysay kung hindi kasama ang mga mahal sa buhay.
Jessica Soho
KMJS ’15 (July 10, 2018)

A. Balbal Kolokyal Lalawiganin Pambansa Pampanitikan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
B. Sagutan ang mga naihandang gabay na tanong mula sa binasa o pinanuod na
dokumentaryo.
1. Anong antas ng wika ang nangingibabaw na ginamit sa kabuuan ng
dokumentaryo? Sa palagay mo, bakit ito ang antas ng wikang ginamit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ano ang maaaring maging epekto ng paggamit ng iba’t ibang antas ng wika
sa pagbabalita?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. May nakikinita ka bang pagbabago sa paraan ng pagbabalita sa Pilipinas
sampung taon mula ngayon? Kung mayroon, ano-ano ang mga ito?
Maglahad ng mga ilang obserbasyon ukol dito.
______________________________________________________________
________________________________________________________