Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Answer:
Ang ilan sa mga mahahalagang kontribusyon ng Pamahalaang Komonwelt ay ang pagkamit ng mga layunin ng Pamahalaang Komonwelt kagaya ng pagkamit ng sariling pamamahala, pagtibayin ang sistemang pulitika ng bansa, at mapaunlad ang kabuhayan ng bansa.
Isa sa mga programa ng Pamahalaang Komonwelt ay ang pagkakaroon ng kalayaang panloob at ang National Defense Act kung saan nakabuo ng hukbong sandatahan ang Pilipinas para mabigyan ng proteksyon o seguridad ang bansa. Isa pa sa mga programa ng Pamahalaang Komonwelt ay ang Women's Suffrage Act kung saan ginawaran ng pantay na karapatan ang mga babae upang makaboto at tumakbo para sa isang pampublikong posisyon.
Isa rin sa mga naging kontribusyon ng Pamahalaang Komonwelt ay ang pagtatatag ng Pambansang Wika. Bumuo ang pamahalaan ng Surian ng Wikang Pambansa na responsable sa pag-aaral ng pagkakaroon ng isang pambansang wika. Bukod dito, sinigurado rin ng pamahalaang Komonwelt ang pagkakaroon ng masiglang ekonomiya at lipunan sa pamamagitan ng Minimum Wage Law, Eight-Hour Labor Law, Tenant Act, at iba pang mga batas at alituntunin.
Sinu-sino ang mga taong may kontribusyon sa panahon ng Komonwelt? Ang panahon ng Komonwelt ay nasa ilalim ng pamumuno nina Pangulong Manuel Quezon at Pangalawang Pangulong Sergio Osmena. Bukod sa kanila, marami ring mga Pilipino ang tumulong noong panahon ng Komonwelt, at nagbigay ng kontribusyon upang mapalago ang Pilipinas.
Explanation:
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na maging aktibo at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.