IDNStudy.com, ang iyong platform para sa mga sagot ng eksperto. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Habang lumalaki ang mga bata, may mga nangyayaring pagbabagong pisikal sa isang nagdadalaga at nagbibinata na tao. Ang ilan sa mga pagbabagong pisikal sa isang nagdadalaga ay ang pagbabago ng hugis ng katawan, paglaki ng dibdib, pagkakaroon ng dalaw, pagtangkad, pagtubo ng buhok sa ibang bahagi ng katawan at pagkakaroon ng tigyawat. Sa kabilang banda, ang ilan naman sa mga pagbabagong pisikal sa isang nagbibinata ay pagbabago ng boses, pagtangkad, pagbabago ng hugis ng katawan, pagkakaroon ng tigyawat at pagtubo ng buhok sa ibang bahagi ng katawan.
Narito ang iba pang mga detalye ukol dito.
Pagdadalaga at Pagbibinata
- Ang panahon ng pagbibinata at pagdadalaga ay tinatawag na “puberty” sa Wikang Ingles.
- Ito ay ang panahon kung kailan nagkakaroon ng mga malaking pagbabago sa panlabas at panloob kaanyuhan ng isang tao.
- Magkaiba ang epekto ng panahong ito sa mga babae at lalaki.
- Narito ang iba pang detalye tungkol sa mga pagbabago sa katawan ng isang tao sa panahon ng “puberty”: https://brainly.ph/question/1194108
Mga Pagbabagong Pisikal sa isang Nagdadalaga
Narito ang ilan sa mga pagbabagong pisikal na nararanasan ng isang dalaga:
- pagbabago ng hugis ng katawan - Kabilang dito ay ang parte ng dibdib, baywang, hita, braso, at iba pa.
- pagkakaroon ng dalaw - Ito ay ang regular, buwanang dalaw na nararanasan ng mga babae.
- pagtangkad - Sa panahong ito bumibilis ang pagtangkad ng mga kababaihan.
- pagtubo ng buhok sa ibang bahagi ng katawan - Kabilang dito ay ang parte ng kili-kili at ari.
- pagkakaroon ng tigyawat - May mga dalaga na mas aktibo ang pagtubo ng tigyawat sa mukha kaysa sa ibang mga kababaihan.
- Narito ang kaugnay na paksa tungkol sa kahulugan ng pagdadalaga: https://brainly.ph/question/584805
Mga Pagbabagong Pisikal sa isang Nagbibinata
Narito ang ilan sa mga pagbabagong pisikal na nararanasan ng isang binata:
- pagbabago ng boses - Sa panahon ng pagbibinata, lumalaki ang boses ng mga kalalakihan. Tumutubo rin ang kanilang mga Adam’s Apple sa lalamunan.
- pagtangkad - Sa panahong ito bumibilis ang pagtangkad ng mga kababaihan.
- pagbabago ng hugis ng katawan - Kabilang dito ay ang parte ng balikat, baywang, hita, braso, at iba pa.
- pagkakaroon ng tigyawat - May mga binata na mas aktibo ang pagtubo ng tigyawat sa mukha kaysa sa ibang mga kalalakihan.
- pagtubo ng buhok sa ibang bahagi ng katawan - Kabilang dito ay ang parte ng mukha (bigote at balbas), dibdib, kili-kili at ari.
- Narito ang kaugnay na paksa na may kaugnayan sa mga paniniwala tungkol sa pagdadalaga at pagbibinata: https://brainly.ph/question/1787185
Iyan ang mga detalye tungkol sa pagbabagong pisikal sa isang nagdadalaga at nagbibinata.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.