IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Answer:
Ano ang personipikasyon?
Ang personipikasyon ay isang tayutay na nagkakapit ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa mga bagay na walang talino tulad ng hayop, ibon, at bagay. Tinatawag din itong pagtatao, pagsasatao, o pagbibigay-katauhan.
Halimbawa ng personipikasyon
Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.
Paliwanag: Hindi ba ang buwan sa langit ay walang personalidad? Bagay lang ito na walang buhay. Pero diyan sa pangungusap na iyan, ang buwan daw ay nagmagandang gabi sa lahat. Ginagawang parang taong may personalidad ang buwan. Kaya iyang ganyang paggamit ng wika ay tinatawag na pagsasatao o personipikasyon. Sa wikang Ingles, ito ay personification.