Makahanap ng mga eksaktong solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
1.tinatag kaagad nila ang isang yunit-militar na mangangasiwa sa propagandang Hapones. Tinawag ang ahensyang ito na sendenbu (propaganda corps). Nang lumaon, nakilala ito sa tawag na Hodobu o Kagawaran ng Impormasyon. Binubuo ng mahigit 300 kasapi mula sa militar at iba’t ibang propesyon ang nasabing ahensya. Isa sa mga tungkulin ng ahensyang ito ay magpakalat ng mga aklat, posters, polyetos at iba pang propagandang materyal na nagpapakilala at nagpapasikat sa bansang Hapon. Layunin din nilang maialis ang mga impluwensyang Kanluranain sa buhay ng mga Pilipino at mapalitan ito ng kulturang Hapones. Kabilang sa mga propagandang ito ang islogang ’Greater East Asia Co-prosperity Sphere’, ’Asya para sa mga Asyano’ at ’Pilipinas para sa mga Pilipino.’
2. Propagandang Pulitikal. Bukod sa Hodobu, itinatag din ang Kalibapi o Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas bilang pangunahing propagandang pultikal ng mga Hapones. Ito ang bukod-tanging partido pulitikal na pinyagang manatili sa bansa. Nagkaroon ito ng mga sangay sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan gayundin ang mga sangay para sa kababaihan at kabataan.Sa tulong ng Kalibapi, nangako ang mga Hapones na bibigyan ng kasarinlan ang ating bansa. Bagamat isa itong propaganda, itinatag pa rin ng bansang Hapon ang Ikalawang Republika ng Pilipinas. Ang pamahalaang ’puppet’ na ito ay pinamunuan ni Pangulong Jose P. Laurel.Bukod sa Kalibapi, inorganisa rin ang mga barangay sa mga ’samahang pampamayanan’ (neighborhood associations.). Bagamat layunin nito na magkaroon ng maayos na distribusyon ng pagkain at mga mahahalagang pangangailangan ng mga tao, nagsilbi rin itong spy network ng mga Hapones.
3. Propagandang Kultural. Upang ’ma-Japanize’ ang mga Pilipino, naging malawakan ang pagpapalaganap ng kulturang Hapones. Ipinakilala nila at ginawang bahagi ng kurikulum sa mga paaralan ang paggamit ng wikang Nippongo. Nagtatag din sila ng samahang tulad ng Jukyu Rai na nagpapaunlad ng kultura at kalinangang Hapones sa bansa. Nagpadala rin sila ng mga Pilipinong iskolar sa bansang Hapon na kahalintulad ng mga pensionados noong panahon ng mga Amerikano. Nagtatag sila ng mga paaralang tulad ng GETI (Government Employees Training Institute), New Philippine Cultural Institute at Preparatory Institute for Government Scholars to Japan na pawang naging instrumento sa propagandang kultural sa bansa.Ang pahayagang Shin Seiki (New Era), na nasa ilalim ng Japanese Shinbun-sha (na naging Philippine Publications) ang bukod-tanging pinayagang mailathala. Ang KZRH naman (na naging PIAM), ang natitirang istayon ng radyo noon, ay napasailalim din sa kamay ng mga Hapones.Ginamit din nila ang pelikula at musika bilang instrumentong pampropaganda. Halos lahat ng pelikula sa panahong iyon ay nilikha ng Eiga Haikyusha at ang musika naman ay sa ilalim ng Sochiku Revue Troupe.Maging ang relihiyon ay ginamit ding instrumentong pampropaganda. Ipinadala sa bansa ang mga paring Katolikong Hapones upang tumulong sa paghihikayat sa mga Pilipino na isang kaibigan at ’tagapagligtas’ ng mga Asyano ang mga Hapones.Bagamat maraming uri ng propagandang ginamit ang mga Hapones sa bansa, hindi pa rin nito nakuha ang supporta ng mga Pilipino. Dahil na rin ito sa matibay nang relasyon ng mga Pilipino at Amerikano at sa pangako ng huli na makakamit rin natin ang isang tunay, demokratiko at malayang bansa.
Answer link: https://scribblingblues.wordpress.com/2011/02/01/propaganda-instrumento-ng-pananakop-ng-mga-hapones/

Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.