Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

1. Magkakaroon ng pagtatalaga sa mga batang iskawt sa inyong paaralan. Kabilang ka sa mga mag-aaral na kalahok dito
ngunit wala kang uniporme na maisusuot para dito kaya't pinahiram ka ng iyong kaibigan. Nangako ka na agad mo din
itong ibabalik matapos mong gamitin. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hayaang marumihan at masira ang hiniram na uniporme.
b. Ingatan at isauli agad ang hiniram na uniporme matapos gamitin.
c. Huwag nang isauli ang hiniram na uniporme,
d. Ipahiram sa iba ang hiniram na uniporme.
2. Si Ana at Mila ay matalik na magkaibigan. Palagi silang magkasama at magkasabay na pumapasok sa paaralan.
Madalas din silang namamasyal sa mga araw na walang pasok at nagsisimba kung araw ng Linggo. Isang araw ay hindi
nakapasok si Mila dahil siya ay nagkasakit, kung ikaw si Ana, ano ang dapat mong gawin?
a. Ipagwalang-bahala ang pagliban ni Mila sa klase.
b. Magkunwaring walang alam tungkol sa pagliban ni Mila.
c. Sabihin sa guro ang dahilan ng pagliban ni Mila at dalawin siya pagkatapos ng klase.
d. Hayaan na lang si Mila na pumasok kung kailan niya nais.
3. Napansin mo na mahilig kumain ng junkfoods ang iyong matalik na kaibigan.
Alam mo na makasasama ito sa kaniyang kalusugan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hayaan lamang siya sa kaniyang gusto.
b. Samahan siya sa pagbili ng mga junkfoods.
c. Kumain din ng mga junkfoods para may kasama siya.
d. Ipaliwanag sa kanya ang masamang dulot ng sobrang pagkain ng junkfoods.​