IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

Ano ang ibig sabihin ng sumusunod:

1. KOLONYALISMO
2. INTER CAETERA
3. FERDINAND MAGELLAN
4. MOLLUCAS ISLAND
5. ANTONIO PIGAFETTA


Sagot :

Answer:

  1. Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mananakop. Ang kolonyalismo ay madalas na naihahalintulad sa Imperyalismo ngunit ang dalawa ay mayroong pagkakaiba.
  2. Ang Inter caetera ay ang bula ng papa na inilabas ni Papa Alejandro VI noong Mayo 4, 1493 na nagkakaloob sa Espanya ng lahat ng mga lupain sa "kanluran at timog" ng isang polo-sa-polong linyang 100 mga liga na kanluran at timog ng anumang mga isla ng Azores o Mga kapuluang Cape Verde.
  3. Si Ferdinand Magellan / Fernão de Magalhães ay isang eksplorador na Portuges na naglayag para sa Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran patungong Asya, ang unang Europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko, at ang namuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig.
  4. Ang Kapuluang Maluku o Moluccas ay isang kapuluang bahagi ng Indonesia.
  5. Si Antonio Pigafetta, ay isang Italyanong iskolar at aristokratang ipinanganak sa Vicenza ng Veneto. Kinatipan siyang sumama at tumulong para sa kapitang Portuges na si Fernando Magallanes ang isang kawal portugal at mga tauhang Kastila nito patungo sa kanilang paglalayag sa Kapuluang Maluku simula noong 1519.

Explanation:

Pa ikliin niyo nalang po

Sana nakatulong!

Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.