Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
Answer:
Ang pamamaraang parlamentaryo ay kilala rin bilang parlamentarismo, ay makikilala sa pamamagitan ng ehekutibong sangay ng pamahalaan na nakadepende sa tuwiran o hindi tuwirang suporta ng parlamento, na karaniwang ipinararating sa pamamagitan ng boto ng tiwala. Samakatuwid, walang tuwirang paghihiwalay ng kapangyarihan sa pagitan ng mga tagapagpaganap at tagapagbatas na sangay (lehislatibo), na naghahatid sa magkaibang pagtatakda sa paraan ng mga paninimbang at pagsusuri sa pagpapatakbo ng pamahalaan, kung ihahambing sa mga nakikita sa isang republikang may pangulo. Ang mga sistemang parlamentaryo ay karaniwang may malinaw na batayan ng pagkakaiba sa pagitan ng pinuno ng pamahalaan at ng pinuno ng estado, kung saan ang pinuno o pangulo ng pamahalaan ay ang punong ministro o primero, samantalang ang pinuno ng estado ay kadalasang ang hinalal (ng mga mamamayan o sa pamamagitan ng parlamento) na pangulo o namamanang maharlika. Hinihirang ang pangulo ng estado bilang isang pangulo sa titulo lamang na may maliit o sermonyal na kapangyarihan.
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.