IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Answer:
Ang Sosyalismo ay tumutukoy sa malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunan organisasyon na nagtataguyod sa estado o sa sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa paggawa at pamamahagi ng mga kagamitan, at ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas o igualitaryang pamamaraan ng pasahod.
Sana Makatulong :)
Answer:
Ang sosyalismo ay isang modernong proyekto. Ang konseptong ito ay nabuo na halos kasabay ng pag-angat ng burges na lipunan na may saligang paniniwala sa ideya ng liberty, equality at fraternity. Sa burges na lipunan nagkaroon ng malayang pagkakataon ang kapital upang lumago at lumaki. Sa kabilang banda, ang sosyalismo ay naging aspirasyon na siyang puputol sa mga kalabisan at pagsasamantala ng sistemang kapitalismo
Explanation:
Ang sosyalimo naman (batay sa mga naging karanasan ng mga bansang dumaan at nakadanas ng sistemang ito) ay hinarap ang problema ng tuloy-tuloy na pag-unlad na hindi gumagamit ng insentibong pang indibidwal na siyang gawi sa sistemang kapitalismo. Hindi napantayan ng mga sosyalistang bansa ang karanasan ng tuloy-tuloy na pag-unlad sa larangan ng produksyon ng mga abanteng kapitalistang bansa
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.