Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Answer:
Malaki ang kaugnayan ng kolonyalismo sa imperyalismo.
Kapag ang bansang nagpapatupad ng pamamahalang imperyalismo ay nagtagumpay na makasakop ng mas mahinang bansa, direkta niya itong kokontrolin na siya namang tinatawag na kolonyalismo. Iyan ang pagkakaugnay ng dalawang salita.
Explaniation:
Ang imperyalismo ay isang patakaran o pamamahala ng isang malaki at makapangyarihang bansa kung saan ang hangad nila ay manakop ng maliliit na bansa. Ang mga bansang ganito ay nagpapadala ng ekspedisyon upang tumuklas ng mga bagong lupain para ito ay kanilang sakupin. Ganito ang ginawa ng Europa noong unang panahon. Dalawa sa kanilang bansa - ang Spain at Portugal ang nagpapaligsahan o nagpapadamihan ng lupaing tutuklasin upang mapasailalim ng kanilang kapangyarihan o sa madaling salita ay sakupin.
Ang kolonyalismo naman ay ang tuwirang pagkontrol ng isang malakas na bansa laban sa isang mahinang bansa. Gaya ng nangyari sa Pilipinas noon na nasakop ng mga Espanyol. Samakatuwid, kapag nakatuklas na ang isang makapangyarihang bansa ng sasakuping lupain, nangyayari na ang kolonyalismo. Ang bansang sinakop ay tatawaging kolonya na ang ibig sabihin ay sakop. Halimbawa, ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya sapagkat noon, tuwirang nakontrol ng mga Espanyol ang bansang Pilipinas at ang mga Pilipino.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.