IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at maaasahang mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Balangkas o Banghay
ang masining na pagkakasunod-sunod ng magkakaugnay na pangyayari sa dula. ang "soul of drama" ayon kay Aristotle.
Paglalahad
ito ang pagpapaliwanag ng mga pangyayari bagi nagsimula ang dula. ipinakikilala rito ang mga tauhan at pagkakaugnayan nila sa isa't isa. inihahayag din dito and paksa at suliranin ng dula.
Suliranin o pagtutunggali
ang likha ng pagkakasalungat ng mga tauhan ng dula o ng mga pangyayari sa kalooban ng pangunahing tauhan.
Pagpapahiwatig
ang hindi hayag o litaw na kalalabasan ng pangyayari bago ang kakalasan.
Kasukdulan
ang bahaging pinakamataas ang kawilihan o ang karurukan.
Kakalasan
ito ang bahaging naghahayag sa kalutasan ng gusot at makatwirang wakas ng dula.
Tauhan
ang mahahalagang sangkap upang mabigyang-buhay ang damdamin at saloobin ng manunulat.
Salitaan at kilos
mga piling linya na sinasambit hindi lamang upang makatulong sa galaw ng balangkas at maglarawang-tauhan, kundi upang magbunyag din ng mga pangyayaring hindi naganap sa tanghalan. ito ay nilalapatan ng angkop na kilos.
Tagpuan
ang lugar na nagbibigay-buhay sa damdamin at saloobin ng sumulat o ng manunulat.
Answer:
Sangkap ng dula
Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood
Elemento ng Dula
Explanation:
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.