Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Gumawa ng maikling kwento 6 o 8 pangungusap gamit ang pang uri.
Umalis ako galing sa aming napakagarang kastilyo gamit ang isa sa aking pinakamabilis na kabayong kulay itim na nagngangalang Diego upang ipahatid ang aking mensahe sa aking iniirog. Mahigit limampung kilometro ang tinatanya kong distansya o layo papunta sa kabilang kaharian ng Genesis. Sa aking paglalakbay ay may nakasalubong akong isang kakaibang uri ng hayop na may anim na paa na kagaya ng isang elepante at apat na malalapad na pakpak na katulad ng anghel at mayroon itong kakaibang kulay ginto na marka. Nagkatinginan kami at ilang saglit ay bigla itong nagsalita ng malakas at nakakapanindig balahibong sinabi sa akin ang pangalan ng aking alagang kabayo na si Diego at parang sila lamang dalawa ang mistulang nagkakaintindihan sa kanilang pinaguusapan. Sa aking pagkabigla, ako'y nagmistulang estatwa dahil ngayon lamang ako nakakita ng isang kakaibang hayop na nagsasalita at may nakakapanindig balahibong boses. Kumalma lamang ako sa aking pagkakabigla ng inalok niya akong isakay sa kanyang malapad na pakpak. Sa aming paglipad ay nagmistulang parang ragasa ng sampung ibayong karagatan ang bilis na halos wala pang limang minuto ang aming pagdating sa kaharian ng Genesis. Nagkagulo ang mga tao sa aming pagdating sapagkat ngayon lamang sila nakakita ng ganitong uri ng hayop na may lubhang nakakatakot at nakakamanghang hitsura. Naging payapa lamang ang lahat ng makita ako at tinawag ng aking sinisintang dilag na si Marikit na nakasakay sa kakaibang hayop. Naging mainit ang pagtanggap sa akin ng mga tao sa kaharian ng Genesis.
#CarryOnLearning
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.