IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

A.KAGULAT GULAT R. USAPANO DAYALOGO C.PAGSASALAYSAY
D. PAGLALARAWAN SA TAGPUANE. PAGLALARAWAN SA TAUHAN E. MAHALAGANG KAISIPAN
1. Ilang hakbang lamang ang nakapagitan sa silid ko at sa silid ng aking ama. Ilang hakbang lamang at maaari ko
nang mabuksan ang pinto at itulak iyon upang makita ang nasa loob. Subalit ang mga hakbang ko ay karaniwang
mabibigat, napipigilan, na tila naaatasan ng isang damdaming dayuhan pagkat di inaasahan (Dayuhan
ni Buenaventura Medina Jr.)
2. "Rading, Paquito, Nelson.. pakinggan ninyo ang kuwentong ito".
3. "May isang lalaki, walong taong gulang. Ilumiling siya sa kaniyang ama ng isang guryon".
(Saranggola ni Efren Abueg)
4. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malaki't maliit na karanasan, dumantay sa mukha ng
mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang
ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. (Mabangis na Lungsod ni
Efren Reyes Abueg)
5. Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barong-barong. Maaliwalas ang
kaniyang mukha: sa kaniyang lubog na mga mata na bahagyang pinagpadilim ng kaniyang malalagong kilay ay
nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. (Ang Kalupi ni Benjamin Pascual)
6. Ibinalabal niya ang makapal na lana sa kaniyang katawan. Ngunit hindi maidulot nito ang init na kailangan niya-
ang init na papawi kahit bahagya sa lamig na bumabalot sa ibabaw ng lupa. (Ang Anhnwage ni Hilario L. Coronel)
akmang argumento para rito.​