Makakuha ng maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Sino si William Howard Taft


Sagot :

Answer:

Si William Howard Taft (15 Setyembre 1857 – 8 Marso 1930) ay isang Amerikanong politiko, ang ika-27 Pangulo ng Estados Unidos, ang ika-10 Punong Mahistrado ng Estados Unidos, at isang pinuno ng konserbatibong bahagi ng Partidong Republikano noong umpisa ng ika-20 dantaon.

Si Taft ay nanungkulan bilang Solisitor Heneral ng Estados Unidos, isang hukom na pederal, Gobernador-Heneral ng Pilipinas, at Kalihim ng Digmaan, bago nahalal bilang Pangulo ng Pambansang Kumbensiyon ng mga Republikano noong 1908 sa tulong ng kanyang malapit na kaibigan na si Theodore Roosevelt.

Napagalit niya ang mga taong progresibo sa pamamagitan ng maingat na pagkilos patungo sa mga reporma at sa pamamagitan ng pagsuporta sa Payne-Aldrich Tariff, na hindi nakapagpababa ng husto sa mga taripa (mga singil). Nawala niya ang suporta ni Theodore Roosevelt at natalo siya nang tumakbo para sa ikalawang termino bilang Pangulo ng Estados Unidos.

Explanation:

#CarryOnLearning.