Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

ano ang ideolohiya
halimbawa nito


Sagot :

Ang ideolohiya ay kalipunan ng mga kaisipan na siyang naglalayong magbigay direksyon sa isang indibidwal o hindi kaya ay magsilbing gabay sa araw araw na pamumuhay. Ito ay sinusubukang magpaliwanag ng mga pagbabago na nararanasan ng isang tao sa kanyang sarili o hindi kaya ay sa kanyang kapaligiran.

Ang konsepto ng ideolohiya ay unang ipinakilala ni Destuff de Tracy.  

Mga kategorya ng ideolohiya

Dahil sa lawak ng sakop ng konsepto ng ideolohiya, ito ay hinati sa iba't ibang kategorya, gaya ng mga sumusunod:

  • Pangkabuhayang ideolohiya
  • Pampulitikang ideolohiya
  • Panlipunang ideolohiya

Pangkabuhayang ideolohiya

Dito tinatalakay ang mga konsepto o ideya na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng isang indibidwal pati na rin ng isang bansa.

Pampulitikang ideolohiya

Dito tinatalakay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na makilahok sa mga diskusyon na may kinalaman sa pamamahala sa bansang kanyang kinabibilangan

Panlipunang ideolohiya

Dito tinatalakay ang pagkakaroon ng pantay pantay na pagtingin at pagtrato sa mga mamamayan. Nakapaloob dito ang mga batas at polisiya, pati na rin ang mga karapatan na mayroon ang bawat mamamayan.

Mga halimbawa ng ideolohiya

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng ideolohiya

  1. Komunismo - Ang mga bansang mayroong komunismo na uri ng pamahalaan o ideolohiya ay China
  2. Kapitalismo - Ang mga bansa sa kanluran gaya ng Amerika ay may ganitong uri ng panlipunang ideolohiya
  3. Monarkiya - Ang mga bansa sa Europa ay mayroong monarkiya na uri ng pamahalaan. Sila ay pinamumunuan ng hari at reyna
  4. Sosyalismo - Isang halimbawa ng ideolohiya na nagbibigay halaga sa sosyal na aspeto ng lipunan
  5. Demokratiko - Ito ay isang uri rin ng ideolohiya na makikita sa bansang Pilipinas

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa digmaang opyo, sumangguni sa mga sumusunod na links:  

Kahulugan ng ideolohiya: https://brainly.ph/question/298424

Iba pang mga halimbawa ng ideolohiya: https://brainly.ph/question/296275

Kahalagahan ng ideolohiya: https://brainly.ph/question/540075

Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.