IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

sino si apolinario mabini?

Sagot :

Kasagutan:

Apolinario Mabini

Si Apolinario Mabini ay isinilang noong Hulyo 23 1864 at namayapa noong Mayo 13, 1903. Siya ang unang punong ministro ng Pilipinas. Kilala sa kanyang talinong pampulitika. Si Mabini ay tinawag na utak ng rebolusyon. Bago ang kanyang kamatayan noong 1903, ang gawain at pag-iisip ni Mabini ay nakatulong sa gobyerno at humubog sa laban ng Pilipinas para sa kalayaan sa mga sumunod na panahon.

Noong bandang 1896, si Apolinario Mabini ay nagkaroon ng polio, na naging sanhi upang ang kanyang mga paa ay maging paralisado. Inaresto si Mabini noong Oktubre ng 1896 dahil sa kanyang naging papel sa kilusang reporma.

#AnswerForTrees

Answer:

Apolinario Mabini

- Si Apolinario Mabini ay mas kilala sa tawag na "dakilang lumpo" at "Utak ng Himagsikang Filipino". Si Mabini ay ipinanganak noong Hulyo 23 1864 sa Talaga Tanauan Batangas. Ang kaniyang mga magulang ay sina Inocencio Mabini na isang maralita at Dionisia Maranan na isang tindera sa palengke. Si Mabini ay nakapagtapos ng Abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1894. Dahil sa kaniyang husay sa mga batas ay itinalaga siya ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo bilang Punong Ministro ng Rebulosyunaryong Kongresong Malolos. Si Mabini ay namatay noong Mayo 13 1903 sa Manila dahil sa sakit na Kolera.

Siya ay naging bayani sapagkat siya ang naging utak ng Himagsikang Filipino laban sa mga Amreikano.

#AnswerForTrees