IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

pagkakatulad nang panliligaw noon ata dayon​

Sagot :

Answer:

PAGKAKAIBA NG PANLILIGAW NOON AT NGAYON✔

NOON: Kahoy ay sinisibak.Tubig ay iniigib.Mabangong bulaklak ang handog sa babaeng iniibig.

NGAYON: Cellphone ang nasa kamay

o sa harap ng computer, naglamay

Nagkasagutan na ang dalawa

"In a relationship" na ang status nila.

NOON: Matagal-tagal ding sinuyo

ang dalagang iniirog

Nagpakipot pa nang husto

Bago ibigay, matamis na "OO".

NGAYON: Isang text lang ang katapat

o tweet na kakilig-kilig

mahal na raw ang isa't-isa

Kaya naman, "M.U." na sila.

NOON: Harana ang paraan

ng binata sa panliligaw

lumilikha pa ng awit

upang dilag ay mabingwit.

NGAYON: Naglalagi na ang babae

sa bahay ng lalake

Nakakulong pa sa kwarto

at nakagawa na ng milagro.

NOON: Mahaba at makapal ang damit

sakong ay di man lang masilip

Kainip-inip ang unang halik

"No touch"... wala munang pagtatalik.

NGAYON: Dibdib at binti ay nakalantad na balewala lang kahit makitaan pa

Busog na busog ang mga mata

Kaya madaling magsawa ang mga binata.

NOON: Sa bukid namamasyal

may kasamang "chaperon" pa nga

o kaya'y sa park ang tagpuan

para lang kumain at magkwentuhan.

NGAYON: Sa mall ang "meeting place" nila.Maglaro sa "arcade" o manood ng sine ang iba'y nagde-DATE sa park

sa damuhan, sa batuhan... PDA kahit saan.

NOON: Liham ng busilak na pag-ibig

Tula ng tunay na pagmamahal

Awit ng pusong handang maghintay

Kahit ialay ang sariling buhay.

NGAYON: Makabago na ang kababaihan

naangkin agad kanilang kagandahan

Bihira na ang seryosong ligawan

Bibihira na rin ang relasyong pangmatagalan.-Admin R.

noon; hinaharana ang dalaga sabay paalam sa magulang
ngayon: laplap na agad wala pang dalawang araw sagot na agad kaya always luhaan ang mga babae