Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

Panuto: May mga nangyayaring napakaloob sa nobela tungkol sa Martail Law na maiuugnay mo sa kasalukuyan at isa na rito ay ang pagpapaigting sa pagpapatupad ng curfew lalo na't mayroong COVID-19. Gumawa ka ng sanaysay at ibahagi mo ang iyong karanasan na may kaugnay sa curfew.

Sagot :

Answer:

Mas lumala ang mga impeksyon ng Covid-19 at pati na rin ang malubhang epekto nito sa ating pamumuhay hanggang ngayon. Maraming pamahalaang lokal at estado ng gobyerno ang nagsimulang magpatupad ng mga curfew upang makatulong na mapigilan ang pagkalat ng virus. Inilaan ang mga curfew upang mabawasan ang mga hindi kinakailangang pakikipag-ugnayan sa mga tao sa labas ng ating sambahayan at malimitahan ang oras ng mga paglabas ng bahay. Ang layunin ng protokol na ito ay ang mabawasan ang mga pagkakataon para sa paghahatid ng sakit.

Ang mga patakaran sa curfew ay naiiba depende sa mga namumuno sa lugar. Hindi na bago sa mga mamamayan ng Pilipinas ang konsepto ng curfew lalo na't nasimulan na ito bago ang pagsilakbo ng pandemya na mas pinahigpitan ngayon dahil sa mapinsala't nakakahawang sakit. Nalilimitahan man ang ating mga aktibidad dahil dito o malaking pagbabago man ang naranasan natin at naapektuhan ang normal nating pamumuhay, naging ganap lang naman ito upang maiwasan ang posibleng mabilis na paglaganap ng Covid-19 sa gabi at ang pagtaas ng mga kaso ng pandemya. Ang curfew ang ating tawag ng pagkakaisa.

Hindi natin maitatanggi na sa panahon ng Martial Law at sa panahong ito ng pandemya ay kinakailangan ang pagkakaisa. Ang pagsunod sa ordinansang kapara ng curfew ay pagbibigay diin sa kaligtasan at mas ikabubuti ng lipunan; ito'y bahagi ng ating pagkakaisa. Magiging matagumpay tayo kung alam natin ang layunin ng mga batas o protokol na sinusunod natin at nagpapakatao tayo sa ating mga gawi.