Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Ano ang kahulugan ng PANUKALANG PROYEKTO?
Ang panukalang proyekto ay isang aplikasyon tungkol sa pag apruba para sa isang proyekto.
Importansya
Ano ang importansya ng PANUKALANG PROYEKTO?
Nakakatulong ito sa pag papaunlad ng ekonomiya ng bansa at nakakatulong rin upang mas maging oraganisado ang pagsasagawa ng mga proyekto.
Layunin
Layunin ng
PANUKALANG PROYEKTO
Ang layunin sa pagsulat ay ang makuha ang suporta ng inyong lokal na pamahalaan o alinmang ahensya ng pamahalaan na siyang makakatulong upang makamit ang layunin. Mas makakabuti para sa lahat kung ang panukala ay agad na maaprobahan. Makakamit ang layunin ng lahat ng taong may kinalaman sa proposal at maraming tao ang pamamaligaya.
Balangkas
Balangkas ng Panukalang Proyekto
1. PANIMULA
Katulad din ito ng pagpapahayag ng suliranin o dahilan ng panukalang proyekto.
2. KATAWAN
Binubuo ito ng plano ng dapat gawin at ang panukalang badyet.
3. KATAPUSAN O KONKLUSYON
Katulad ito ng bahagi ng pagsusuri o ng bahaging naglalahad ng kapakinabangang dulot ng proyekto.
BALANGKAS
Kompletong Balangkas ng Panukalang Proyekto
1.PAMAGAT – Kadalasan pinaikling bahagi ng ulat o ang pangangailangan.
2. NAGPADALA – Ang iyong pangalan bilang manunulat ng proposak at ang tirahan para sa nagpadala ng koreo.
3. PETSA - Ang araw kung kailan mo isusumite ang iyong panukalang haba ng panahon na gugulin sa pagkokompleto ng proyekto.
4. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN - Ang pangangailangan at dahilan kung bakit ito kailangan matugunan. Nakasaad sa isang saknong at may wastong pamagat.
5. LAYUNIN - Kung ano ang nilalayong gawin ng proposal.
6. PLANO NA DAPAT GAWIN - Ang mga hakbang na pinaplano mong gawin at ang panahong gugugulin upang matapos ang proyekto.
7. BADYET - Ang kalkulasyon ng halagang gugulin para sa proyekto.
8. PAANO MAPAPAKINABANGAN NG AKIN PAMAYANAN ANG PANUKALANG ITO - Ang katapusan, kung saan nakasaad ang mga taong makikinabang sa sa proyekto at kung ano ang mapapala dito.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.