IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Answer:
ito po siguro ay mga elemento ng nobela ...
1. banghay
ang banghay ang tumutukoy sa estruktura ng isang nobela . Maari ring sabihing ito ang blueprint ng akda. Ang banghay ang batayan sa pagbuo na akda sa pamamagitan ng mga magkakaugnay na pangyayari.
2. Tunggalian
ang suliranin ay ang pagsubok na pinagdaraanan ng tauhan. Maaring ang katunggali o dahilan ng suliranin ay ang sarili, kalikasan, o kapwa.
3. Tagpuan
ang tagpuan ay tumutukoy sa pook na pinagganapan ng mga pangyayari sa akda. Kaugnay na rin ng pook ang oras at panahon ng pagkakaganap.
4.Himig
ang himig o mood ay tumutukoy sa damdamin ng may akda sa kaniyang paksa na masasalamin sa akda sa pamamagitan ng mga piniling salita . Ang himig ng isang nobela ay maaaring masaya , malungkot, galit o dikayay nagpapatawa.
5. Tauhan
ang tauhan ang tumutukoy sa gumaganap sa kwento , sila ang dahilan ng pag usad ng mga pangyayari .
Explanation:
hope it will help :)