Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Sino si Carlos Araujo sa buhay ni Dilma Rousseff?

Sagot :

Answer:

Si Dilma Vana Rousseff (ipinganganak 14 Disyembre 1947) ay isang ekonomista at politiko sa Brazil. Siya ay nasisilbi bilang ika-36 Pangulo ng Brazil. Siya ang unang babae sa puwesto.[1] Siya ay dating Chief of Staff ni Pangulong Luiz Inácio Lula da Silva mula 2005 hanggang 2010.[2]

Her Excellency

Dilma Rousseff

Official portrait of Dilma Rousseff

ika-36 Pangulo ng Brazil

Kasalukuyang nanunungkulan

Unang araw ng panunungkulan

1 Enero 2011

Pangalawang Pangulo

Michel Temer

Nakaraang sinundan

Luiz Inácio Lula da Silva

Chief of Staff of the Presidency

Nasa puwesto

21 Hunyo 2005 – 31 Marso 2010

Pangulo

Luiz Inácio Lula da Silva

Nakaraang sinundan

José Dirceu

Sinundan ni

Erenice Guerra

Minister of Mines and Energy

Nasa puwesto

1 Enero 2003 – 21 Hunyo 2005

Pangulo

Luiz Inácio Lula da Silva

Nakaraang sinundan

Francisco Luiz Sibut Gomide

Sinundan ni

Silas Rondeau

Pansariling detalye

Ipinanganak

Dilma Vana Rousseff

14 Disyembre 1947 (edad 73)

Belo Horizonte, Brazil

Kabansaan

Brazilian

Partidong pampolitika

Workers' Party

(Mga) Asawa

Cláudio Galeno Linhares (1967–69)

Carlos Franklin Paixão de Araújo (1969–2000)

Mga anak

Paula Rousseff Araújo (ipinanganak 1976)

Tahanan

Alvorada Palace (opisyal)

Porto Alegre (pribado)

Alma mater

Universidade Federal do Rio Grande do Sul

Propesyon

Ekonomista

Politiko

Pirma

Websayt

Official website

Anak ng isang negosyanteng Bulgarian, lumaki si Rousseff sa isang pamilyang upper middle class sa Belo Horizonte, Minas Gerais.[2] Siya ay naging sosyalista sa kanyang kabataan, at matapos ang coup d'état noong 1964 sumapi siya sa iba't ibang makakaliwa at Marxistang urban guerrilla groups na lumaban laban sa diktadurang militar. Si Rousseff ay nahuli at nabilanggo mula 1970 at 1972, sa panahong iyon ay naiulat pinahirapan (tortured).[2][3]

Matapos mapalaya, nagsimula ulit si Rousseff ng buhay sa Porto Alegre kasama ni Carlos Araújo, na kanyang magiging ka-partner ng 30 taon.[2] Tumulong sila sa pagtatag ng Partido Democrático Trabalhista (PDT; Democratic Labour Party) sa Rio Grande do Sul, at lumahok sa ilang kampayang panghahalan ng partido. Siya ay naging Secretary of the Treasury of the City of Porto Alegre sa administrasyong Alceu Collares, sumunod ay naging Secretary of Energy of the State of Rio Grande do Sul sa administrasyong Collares at Olívio Dutra.[2] Noong 2000, matapos ng panloob na alitan sa gabineteng Dutra, iniwan niya ang PDT at sumapi sa Partido dos Trabalhadores (PT; Workers' Party).[2]

Noong 2002, sumapi si Rousseff sa komiteng gagawa ng polisiya sa enerhiya ng kandidato sa pagkapangulo na si Luiz Inácio Lula da Silva. Nang manalo si da Silva sa halalan, inanyayahan niya si Rousseff upang maging Minister of Energy.[2] Noong 2005, isang krisis pampolitikang dulot ng isang corruption scandal ang nagtulak sa pagbibitiw ni Chief of Staff José Dirceu. Si Rousseff ang humalili sa puwesto, at nanatili hanggang 31 Marso 2010, nang siya ay bumabab upang tumakbo sa pagkapangulo.[2] Siya ay nahalal sa isang run-off noong 31 Oktubre 2010, tinalo niya ang kandidato ng Partido da Social Democracia Brasileira (PSDB) na si José Serra, at nahalal muli noong 26 Oktubre 2014 laban kay Aécio Neves, kandidato rin ng PSDB.[4]

Mga sanggunian