IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
♠ WIKA
- lenggwahe (language) o mga dayalekto (dialect), mahalaga ang pagtukoy rito para matukoy rin ang wikang pambansa ng isang lahi
- bahagi ng pakikipagtalastasan at ito ang kahalagahan ng wika. Ang lahat ng wika ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas at ang lahat ay nakabatay sa tunog.
- Ang dalawa sa 7 katangian ng wika: binubuo ng sagisag o simbolo at sagisag na binibigkas.
- Ang gamit ng wika ay arbitraryong simbulo at tunog at nangangahulugang na walang tiyak na batayan ang wikang arbitraryo dahil ang pagbuo ng mga simbolo at ng mga tunog na binibigyang kahulugan para sa mga bagay, ideya at kaisipan ay tuntuning sinusunod. Pinagkakasunduan lang ito ng mga tao sa isang tiyak na lugar o komunidad kaya ang esensya ng wika ay panlipunan.
- ginagamit ng mga tao sa isang lugar o sa isang bansa para sa maayos na komunikasyon, pakikipag-usap at makapanayam o maintindihan ang kanyang mga kapwa. Ito ang kalikasan ng wika.
- nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
- ginagamit ang wika bilang isang midyum para makasulat, makabasa at makaintindi ng mga aralin at mga bagay na dapat matutunan. Kung walang wika ay hindi matututo ang isang mag-aaral.
- dinamiko ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-ibang rehistro batay sa konteksto ng paggamit nito at kung sino ang gumagamit nito.
- kailangang tuluy-tuloy ginagamit ang wika dahil kapag ‘di na ginagamit ay nawawalan na ito ng saysay, napag-iiwanan, unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay.
- ang wika ay may register. Ang register ng wika ay isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika. Mas madalas nakikita/nagagamit sa isang particular na disiplina ang ganitong wika. Ang pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika.
- Ang wika ay nakabatay sa kultura,nagbabago at dinamiko, at pantao. ‘Di maaaring hindi magbabago dahil maaari ring mamamatay kapag ang wika ay naging “stagnant”.
- gamit para maunawaan ang sinasabi ng mga tao sa paligid at hindi lamang may magamit sa pagsasalita. Ang pakikinig ay mahalaga dahil sa ganitong paraan natututo ang mga mag-aaral. At higit sa lahat, ito ay mahalaga sa mga mag-aaral na ang layunin ay hindi lamang maging matalino kundi pati ang magkaroon ng karunungan at puso na bukas para sa lahat ng tao.
- Ang wika ay arbitraryo dahil ito ay ang mga salitang pinagkasunduan lang ng mga tao para gamitin nila sa pang araw-araw na pamumuhay. Walang tiyak o eksaktong teorya na makapagpapatunay kung paano nagsimula 't pinauso ang pagiging arbitraryo ng wika o kung paano nagkaroon ng wika ang bawat lahi sa buong mundo.
- gamit sa pakikipag-ugnayan sa pag-aaral at sa pagtuturo sa iba. Ang sukatan ng karunungan at katalinuhan ay kakayahan nito sa pagsasalin ng mga natutunan sa ibang tao.
- instrumento sa pagpapaunlad ng kultura at sining sa isang bayan o bansa. Ito ay arbitraryo at daynamiko at lahat ng tao, kasama ang mga mag-aaral, ay nagpapalawak at humuhulma pa ng wika. Ang pagiging arbitraryo at daynamiko ay mga katangian ng wika.
Explanation:
Answer:
tunog
arbitaryo
masistema
sinasalita
malikhain
Explanation:
Sana makatulong
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.