Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Answer:
Dahilan ng Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
Ang mga Amerikano ay may layuning pulitikal, ito ay upang mapalawak ang lupaing sakop at magsimulang baguhin ang Pilipinas.
Upang makapagtatag ng base militar ang mga Amerikano dito sa Pilipinas dahil sa istratehikong lokasyon nito dahil ang Pilipinas ang itinuturing na "Doormat of Asia" at upang pangalagaan at protektahan ang kanilang kalakal sa Asya at Pasipiko.
Ang layuning pang-ekonomiya nito upang makapagtatag ng mga pamilihang Amerikano at mapagkunan ng mga hilaw na sangkap at gawing bagsakan ng mga tapos na produkto ang Pilipinas.
Ang layuning pangrelihiyon, ito ay upang mapalaganap ang relihiyong Protestantismo sa kalakhang-Asya at pahingahan ng mga misyonero.
Para maisakatuparan ang layunin nitong makilala bilang isang pwersang pandaigdig, kinakailangan nitong magkaroon ng isang kolonya.
Ang Estados Unidos noong panahong ito ay nagsisimula na ring magpalawak ng kaniyang kolonya.
Upang may mapagkukunan ng mga hilaw na materyales at mapagdadalhan ng sobrang produkto at kapital.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.