IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at maaasahang mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

tatlong sangay ng pamahalaan?
1.
2.
3.


Sagot :

Answer:

Ang bansa nating Pilipinas ay may pamahalaang demokratikong republika at ito ay may tatlong sangay:

Tagapagbatas | Lehislatura

Ang sangay na ito ay may kapangyarihang magpanukala, gumawa, at magbago ng batas. Nakasalalay ito sa Kongreso ng Pilipinas.

Ang Kongreso ay nahati sa dalawang kapulungan:

Senado – Ang mataas na kapulungan, ito ay binubuo ng 24 na senador at pinamumunuan ng isang presidente ng Senado

Kapulungan ng Kinatawan – Ang mababang kapulungan. Bmubuo ng higit na 250 na kinatawan na pinamumunuan ng isang Speaker o Punong Kinatawan

Tagapagpaganap | Ehekutibo

Ito naman ang nagpapatupad ng batas na ginawa sa Kongreso. Ito ay nasa pangulo na siyang pinakamataas na pinuno ng pansa at ang pangunahing tagapatupad ng batas.

Ang Pangulo ay may katulong ng mga gabinete at ng Bise Presidente

Gabinete – pinamumunuan ng mga kalihim upang mamuno sa mga kagawaran.

Panghuhukom | Hudisyal

Sila naman ang nagdidisiplina sa mga huwes ng mababang hukuman

Ito naman ay nakasalalay sa Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema at binubuo ito ng Punong Hukom o Chief Justice at labing-apat na Kagawad na Hukom

Explanation:

Kumopleto yarn.

Sana po makatulong...