Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Answer:
opo
Explanation:
pero disa lahat ngpagkakataon dahil may mali kadin na nagagawa minsan pero satingin ko nagagamit nanmn ng wasto
Answer:Isip. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may
kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, magalaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Kaya’t ang isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness), konsensya (conscience) at intelektuwal na memorya (intellectual memory) batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.
Sa kabilang dako, ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino ay isang
makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti
at lumalayo sa masama. Kung kaya’t ang tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong masama. Nagaganap
lamang ang pagpili sa masama kung ito ay nababalot ng kabutihan at nagmumukhang mabuti at kaakit-akit. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan. Ito rin ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili, kung kaya’t ang kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos.
Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti. Ngunit hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri. Nakasalalay sa tao ang pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ang kanyang piliing gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin at linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-kanyang layunin. Kung hindi,
magagamit ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang sa pagkamit ng kaganapan ng tao
Explanation:
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.