IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Limang hakbang upang makapaglaba:
- Ihanda muna mabuti ang lahat ng gagamitin at damit na lalabhan
- Ang mga damit ay ayusin lalo na kung may sira ito bago labahan at baligtarin ang mga bulsa
- Ihiwalay mo ang mga puti at de-kolor na mga damit
- Lamasin mo na ang mga maruruming damit sa tubig para lumambot na ang nakakapit na dumi at saka lagyan ng sabon para makusot
- Banlawan ng ilang beses pagkatapos kumusot ng mga damit para maisampay na ito
Paliwanag:
Sa pamamagitan ng paglalaba ng ating mga damit, pinakikita natin dito na pinangangalagaan natin ang mga ito. Kadalasan, maraming mga damit ang nasusuot natin sapagkat araw-araw tayo nagpapalit. Napapawisan at nadudumihan ang mga ito kung kaya mahalaga na linisin ito.
Anu-ano ang mga uri ng mantsa?
Mga halimbawa:
- Putik- magagawa lang natin maalis ito kung hahayaan matuyo, pagkatapos ay kutkutin ang putik at pagpagin. At saka natin ito labahan.
- Tinta- maaari tayong makapagpiga ng kalamansi dito, hayaan ng ilang minute at pagkatapos ay labahan.
- Kalawang- maaari tayong pumiga dito ng katas ng kalamansi na may halong asin saka ibuhos dito.
- Pintura- maaari natin itong lagyan ng mantika at saka lalabhan. Maaari ring lagyan natin ng paint thinner pagkatapos. At sa huli ay labahan na ito.
- Mantika- ang mga damit dito ay labahan natin sa maligamgam na tubig at sabon at saka natin ito banlawan.
- Amag- gaya ng tinta at kalawang, maaaring magpiga rin ng kalamansi dito. Labahan ito at ulit-ulitin ang proseso hanggang sa mawala na ang mantsa sa damit.
Tandaan natin ang mga bagay na ito may kaugnayan sa paglalaba. Huwag kalimutan na paghiwalayin ang puti at de-kolor. Maaaring gumamit ng detergent sa mga damit na maseselan. Pumili tayo ng mga sabong panlaba na hindi nakakasira ng ating balat. At sundin ang proseso sa pagtatanggal ng mantsa.
Nais mo pa ba makapagbasa ng higit? Tingnan pa ang mga ito:
brainly.ph/question/152139
brainly.ph/question/301137
#BrainlyEveryday
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.