Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Ang Mycenae o Misenas (Griyego: Μυκῆναι Mykēnai o Μυκήνη Mykēnē; Kastila:Micenas) ay isang lugar na pang-arkeolohiya sa Gresya, na tinatayang nasa 90 km timog-kanluran ng Athens, sa loob ng hilaga-silangan ng Peloponnese. Ang Argos ay 11 km papunta sa timog; ang Corinth, 48 km pakanluran. Mula sa burol na kinalalagyan ng palasyo, matatanaw ang kahabaan mula sa Argolid hanggang sa Tangway na Saroniko.
Noong ika-2 milenyong BC, ang Mycenae ay isa sa pangunahing mga sentro ng kabihasnang Griyego, isang matibay na tanggulang pangmilitar (kuta) na nangibabaw sa katimugang Gresya. Ang kapanahunan ng kasaysayan ng Gresya magmula sa tinatayang 1600 BC magpahanggang sa 1100 BC ay tinatawag na Gresyang Miseno bilang pagtukoy sa Mycenae.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.