Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

ipaliwanag ang mga pangyayaring nagdulot sa pagpapalit ng mga imperyo sa kabihasnang africa. isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Imperyong ghana
imperyong mali
imperyong songhai




de prankx lang wala akong tanong salamat dahil tiningnan mo to. wag mo na sagutan tanong ko. :)​


Sagot :

Answer:

Pagpapalit ng mga Sibilisasyong Afrikano

Emperyong Ghana:

Matapos maranasan ng emperyo ng Ghana ang kasaganaan, naharap naman sila sa matinding pagbagsak noong ika-12 na siglo. Ang dahilan kung bakit napalitan ang emperyo ng Ghana ay dahil sa mga matitinding tagtuyot na nararanasan sa kanilang mga teritoryo, ang pagputok ng mga digmaang sibil, ang pagkakaroon ng mga bagong ruta para sa kalakalan na hindi nila napakikinabangan, at ang paglakas ng kaharian ng Sosso. Nakadagag din sa pagbagsak ng emperyo ng Ghana ang paglakas ng emperyo ng Mali.

Emperyong Mali:

Matapos ang ginintuang panahon ng Mali sa ilalim ni Mansa Musa, nakaranas ang emperyong ito ng mga matitinding pagsubok na naging dahilan ng kanilang pagbagsak, kabilang na ang pagkawala ng kanilang impluwensya sa kontinente, ang pagbubukas ng mga bagong ruta pangkalakalan, at ang mga digmaang sibil na nagresulta sa hindi magandang pamamalakad ng mga pinunong sumunod kay Mansa Musa.

Emperyong Songhai:

Digmaang sibil din ang naging dahilan ng pagkawala ng emperyo ng Songhai. Tuluyan silang nagapi noong 1591.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa sibilisasyong Afrikano, bisitahin lamang ang link na ito:

https://brainly.ph/question/248917

https://brainly.ph/question/2525433

#BrainlyEveryday

Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.